Monday, October 02, 2006

oo, tama kayo...

[Sa mga gusto makihalubilo at maintindihan kung ano ang nangyayari, huwag na!]


PARA SA MGA NAGBABASA: Oo. Tama. Immature ako. Tama kayo at halos lahat ng sinabi niyo nang pualanan niyo ng comments niyo. Oo, hindi ko maharap pagkakamali ko. Oo, ang paki-alam ko lang ang sarili ko. Oo, nagpapansin ako. Oo, ako ang sumisira sa sarili ko. Oo, biased nga ang komentrayo na iyon. Oo, hindi rin ako makalakad ng pasulong. At, oo, ang anim na iyon ay ako.

Pero, hindi ako plastic. Kung ano yung nakilala niyo, isa iyon sa 'mga' ako. At ang aking isinulat na komentrayo ay ang aking mismong pag-amin, hindi ang protesta o anuman na inyong maisip. At wala akong tinutukoy na iba kung ang aking sarili at ang aking dakilang tiyahin.

*

"Kitang kita sa umpisa na ang mga nakalahad ay hindi nakatuon o walang pokus sa isang taong binabato subalit ng maglaon ay kitang kita na may taong pinatatamaan ng dahil sa mga katagang tulad ng 'niya' o 'sila'." Pagmasdang niyong mabuti ang pagprogreso ng komentrayo. Gumamit ako ng mga sitwasyong nagbibigay ng imaginary scenario and imaginary characters. Kaya nagkakaroon ng 'niya' at 'sila'.

Halimbawa:
"Kahit ang mga taong nakatatanda, katulad ng mga magulang, ay may tinataglay pa ring mga ganitong katangian. Kadalasan nga kung sino ang mga nagmamalaki na mature na sila ay sila pa ang naiiwan. Ayaw lang nila aminin." Sa kadahilanang hindi nga lang nga-iisa ang tinutukoy ng komentaryong ito at bilang isang kolektibong sitwasyon ng naunang pangungusap, ayan... 'nila'.

"At para makapagbigay ang mga eksaktong kondisyon ng pagiging immature, ito ang ilan sa mga halimbawa (check list niyo na rin ito):" - ang nagbabasa ang tinutukoy ng niyo.

*

At kung tatanungin ninyo kung ano ba ang pinupunto nung mga winiwika na aking isinaad, ito lang iyon: Iyon ang mga boses ng samu't saring kalagayan ng mga nakababata. Nakabase lang iyan hindi lang sa sinasabi ng bunso kong kapatid, pati na rin sa mga hinaing ni Tito Gino na sinasabi niya sa akin, na kadalasan ay tungkol sa gulo nila ni Tita Gina. (Si Tito Gino ang bunso sa kanilang magkakapatid).

Sa munting komentaryo na iyon, umaamin na ako sa kung ano man ang merong mali sa akin: immature, duwag, tanga, gago, at iba pa. Kaya lang, hindi ko na naman nakamit ang aking hangarin na iparating na ako ang tinutukoy ng komentaryo na iyon. Kung may tinamaan, marahil doon tayo nagkahawig.

*

Huwag kayong maglakas loob na magsabi na dapat kayo
ang pakinggan dahil masmarami kayong naranasan.


Huwag kayong maglakas loob na magsabi na dapat kayo
ang pakinggan dahil masmarami kayong naranasan.

Tama. Ako rin ang mga iyon. Naririnig niyo ba kung paano ko sermonan ang kapatid ko? Kapag narinig niyo, masasabi niyo rin na ako rin ang tinutukoy ko sa mga linyang ito.

*

Napansin niyo naman siguro ‘yung situational irony na ginamit ko? – sa buong komentaryo. Kaya tama, biased.

*

Hustisya para sa mga
Tinatawag na nakababata!

Hustisya? Ano ba ang ibig kong sabihin sa ‘Hustisya’?

Ano ba ang Hustisya? Ito ay ang pagpapatas sa isang timbangang nawala ang balance. Sa kadahilanang pantay-pantay ang bawat tao (at kinakailangang manatiling pantay-pantay), ginawa binuo natin ang konseptong ito. Samakatuwid, ang hustisya ay isang pangangangailangan.

Patunay na kailangang pantay-pantay ang bawat nilalang:

Konsepto ng paghihiganti at ang pagbibigay parusa sa nagkasala, idagdag pa natin ang tinatawag na ‘utang na loob’; kung hindi kailangang pantay-pantay ang lahat, bakit mo paparusahan ang mga nang-aapi? Hindi ba, kapag pinarusahan mo ang isang may sala, inaagrabiyado mo siya sa ngalan ng inagrabiyado niya. May naagrabiyado, so nawala ang balanse ng timbangan. Upang maibalik ito, paparusahan mo ngayon ang nang-api. At kapag hindi nagawa ng awtoridad ang dapat gawin, ayun… maghiganti.

Samakatwid, ang sinasabi ng linyang ito ay ibigay ang pangangailangan ng nagsasalita.

Ano ba ang pangangailangang gusto kong sabihin sa mga katagang ito?

Sabihin niyo ang dapat kong gawin. Alam niyo naman palang mahina ako sa hulaan ng mga ganyang bagay-bagay! Bakit hindi niyo na lang sabihin? Iyon ang hustisya na sinasabi ko!

‘Di ba hinhiling ninyo sa akin dati na kung ano ba talaga ang nilalaman ng isip ko? At nang hindi ako magsalita ay tinanong niyo pa kung ano ang gusto ko gawin ninyo?

Ayan!

Nahanap ko na ang tamang mga salita! Sabihin niyo ang dapat kong gawin. Alam niyo naman palang mahina ako sa hulaan ng mga ganyang bagay-bagay! Bakit hindi niyo na lang sabihin? Iyon ang hustisya na sinasabi ko!


*

At wala ako sinasabing nagkakampihan kayo! Iyon ang hindi ko alam kung saan niyo sa teksto. Saan nga ba?
At hindi ko rin sinasabi na ako ang puntanginang pinakamagaling magsulat at walang ibang kayang magsulat ng sinusulat. Gaya nga ng putanginang pakay ng dakilang panitikan na hindi naman kahit kalian ganap na natamo, sinasabi ko lang ang putanginang mga mali ko sa sarili ko.

*

“Saka hindi mo maiaalis na mas maraming alam ang nakatatanda dahil mas madami silang karanasan at ala-ala…” Amf na iyan… alam ko! May tanong ako? Ito bang mga nakatatanda na ito ay nagbibigay halaga sa mga karanasan na ito at sa mga ala-ala na ito? Malay ko. Hindi naman ako nakababasa ng isip.

At dahil wala naman akong anking galing na tinatawag na telepathy, isinulat ko ang komentaryo na ito bilang ang nilalaman ng isip ko. At wala ako tinutukoy sa komentaryong ito kung hindi ang aking sarili.

*

Ang sitwasyong namuo sa paglabas ng komentaryong ito ay isa na naming patunay na ang mga salita ay neutral at wala talagang nais sabihin. Nagkakaroon lang laman ang mga salitang ito depende sa kung papano ito tinitingan ng parehong may akda at nagbabasa.

Patawad kung iba ang naging ibig sa sabihin nito sa inyo. Nadagdagan na naman ang listahan ng mga kaslanan ko. Pasensya sa abala.

*
Gaya ng aking winika noong Biyernes bago tayo pinapanood sa PETA Theater ng Walang Himala:. Mula dito, bahala na kayo kung ano ang gusto niyong gawin sa akin.

1 Comments:

Blogger sweatdrop said...

ang oa mo talaga... ang drama ng buhay mo!!! ma drama kahit wala naman dapat drama... manahimik ka na!

11:51 AM  

Post a Comment

<< Home